Saturday, March 10

Tumindig ka

Election season! Para hindi uminit ang ulo ko sa campaign jingles on the radio, I'm listening to the ‘classics’ instead.

***
Tumindig Ka
by Buklod (Rom Dongeto and Noel Cabangon)

Tumindig ka, ipaglaban ang karapatan
Tumindig ka, ipagtanggol ang karapatan

Daangtaon na ang nakalilipas
Ilang pangulo na ang nagdaan
Kulang pa rin ang sweldo ni Juan
Wala pa ring sariling lupa si Juan
Wala pa ring masilungan si Juan
Subsob pa rin sa kahirapan

Tumindig ka, tumindig ka
Ipaglaban mo si Juan
Tumindig ka, tumindig ka
Ipagtanggol mo si Juan

***
Trapo
by Yano (Dong Abay and Eric Gancio)

Jueteng at illegal logging
May sideline, rape at kidnapping
Dealer ng shabu at uzi
Commander ng private army
May ari ng subdivision
Stockholder ng corporation
Landlord na land grabber pa
Anak ka ng bobong tanga!
Ang hirap mong hulihin, lahat kaya mong bilhin
Wala kang silbi, wala kang silbi sa amin

Trapo! Trapo ka kasi
Trapo! Trapo trapo ka kasi
Di na binoboto pero nananalo

May misis pero siyam ang kabit
Naadik kaya sabik na sabik
Ang kapal mo hindi ka manipis
Ginugudtaym mo lang ang aming buwis
Mas maraming absent kaysa sa present
Di ginagawa kanyang assignment
Mula Lunes hanggang Biyernes
Wala sa congress, panay ang redirect
Ang sarap mong ihawin, ipalamon sa mga pating
Wala kang silbi, wala kang silbi sa amin

Trapo! Trapo ka kasi
Trapo! Trapo trapo ka kasi
Di na binoboto pero nananalo!

***
Read somewhere that Bamboo is going on a US tour where, presumably, they will also be playing Tatsulok. Imagine that, Tatsulok being played in the ‘belly of the beast’! (an observation made by the writer of that blog that I failed to bookmark...) Now why didn't Buklod think of that? heheh ;P

1 comment:

pinoy_radical said...

meron po ba kayong English translation ng TUMINDIG KA?